≡ Menu

Bitter Quotes in Tagalog

“Hindi ka dapat maging bitter sa nakaraan mo, para maging matamis ang ngayon mo.”

“Kung bitter ka sa dati, siguradong mapait din ang hinaharap mo.”

“Wag mo hayaang lamunin ka ng pait, dahil hindi ka matututo kung hindi mo nanamnamin ang sakit.”

“Lahat ng bagay may katuturan, kaya huwag kang bitter jan.”

“Mas masarap ang matamis na buhay, kesa bitter at matamlay.”

“Mapait na nga ang nangyari sa inyo, dadamdamin mo pa ang sakit? Lalo lang yan hihirap habang hinaharap ay papalapit.”

“Sa bawat dulo, may simula kaya wag kang maging bitter sa mga nangyari sa buhay mo.”

“Bitter man sa iyong paningin, bukas magiging maayos rin.”

“Lahat ng tao pwede maging bitter, wag mo lang hayaang lamunin ka ng sistema, baka malunod ka.”

“Hindi masarap mabuhay sa mundong puno ng pait, kaya kalimutan mo nalang ang sakit.”

“Masakit man at mahirap, siguradong kapupulutan mo ng aral kaya wag ka nang bitter.”

“Bitter man, ay better parin.”

“Kahit ang gamot na mapait ay nakakagamot ng sakit, kaya minsan okay lang maging bitter.”

“Hayaan mo maging bitter ka minsan, para naman ang sakit ay maibsan.”

“Sa bawat maalat na luhang pumapatak, mapait na karanasan ang humahatak.”

“Kung bitter ang ex mo sayo, panalo ka.”

“Maraming dahilan kung bakit tayo nagiging bitter, pero lahat ito ay para tayo maging better.”

“Sa bawat mapapait na hugot, may aral na mapupulot.”

“Hindi mo kailangan maging bitter sa nakaraan, para sa kinabukasan ikaw naman ay masayahan.”

“Lahat ng bagay may katapusan, kaya kahit bitter ka ngayon, baka hanggang ngayon nalang yan.”

“Kahit na ilang beses kang umiyak, wag ka patatalo, okay lang maging bitter basta sa dulo ay panalo.”

“Nakakabitter kapag pangit ang pinalit sayo, yan ay tunay at totoo.”

“Hindi sa lahat ng oras, kaya mo maging masaya, minsan dapat din bitter ka.”

“Ang ampalaya kahit mapait, punong puno ng sustansya kaya bitter ka man ngayon, siguradong bukas masaya ka.”

0 comments… add one

Leave a Comment